'Wag Mong Isipin 'Yon, Hindi Ka No'n Mahal


H'wag mong isipin yon Hindi ka no'n mahal
H'wag yang katangahan mo ang pinapairal
Alam mo nang niloloko ka n'ya
Pero nagbubulag-bulagan ka
Hindi mo ba napapansin
Nakekengkoy ka na

Eh ano ngayon kung nagmumuka lang akong gago? Basta ang alam ko, masaya ako sa ginagawa ko. Sabi nga nila, gawin mo kung ano'ng nagpapasaya sa'yo. Dito 'ko masaya, 'yung mahalin kita ng sobra-sobra. Hindi na importante kung may aasahan pa ba 'kong pagmamahal galing sayo. Dahil ang totoo, alam ko na'ng imposibleng mahalin mo din ako. Pero gano'n parin, hihintayin parin kita. Hindi na mahalaga kung dadating ka ba o hindi, basta hihintayin kita. Alam kong naiinis ka na. Alam ko rin na napipilitan ka lang na makitungo sa'kin. Pero sana alam mo na lahat gagawin ko, magbago lang 'yung tingin mo sa'kin. Alam kong pinipilit mo lang na makipag-kaibigan sa'kin. 'Diba ikaw na ang may sabi non? Nasaktan talaga 'ko nu'ng nalaman ko 'yon. Kasi ikaw, napaka-halaga mo sa'kin. Pero ako, balewala lang pala sa'yo. Pero salamat na rin kasi kahit na kunwari lang pala, naging magkaibigan tayo. Alam mo bang napapasaya mo 'ko? Palagi kong maaalala lahat ng mga bagay na ginawa mo na nakapagpasaya sa'kin. 'Yun nalang ang matitira sa'kin, puro mga alaala. 'Yun nalang ang panghahawakan ko, kasi dun lang ako naging masaya. Alam ko hindi na ulit ako magiging masaya katulad no'n, kasi hindi ka magiging sa'kin kahit kailan.

H'wag manghinayang don may mas babagay pa
Igala-gala mo lang ang mga mata
At kung sa pag-ihip nitong hangin
Dama mo na ikaw ay napuwing
Probema mo't suliranin aking aalisin

Alam ko marami pa 'kong makikilalang iba, lalo na pag pasok ko ng college. Pero sa tingin ko wala na 'kong mahahanap na katulad mo. Ang totoo, ayoko na'ng maghanap pa. Ikaw nalang ang mamahalin ko, hindi na 'ko magmamahal ulit ng iba. Pero hindi na 'ko hihiling sa'yo na tumbasan 'tong pagmamahal ko, alam kong hindi mo 'yon magagawa. Sana hayaan mo nalang ako na mahalin ka, pangako 'di kita pipilitin kung talagang 'di mo kaya. Ito lang ang kaya kong gawin, ang magtiis para sa'yo. Mag-bigay na walang hinihintay na kapalit. Mahal kita. Mahal na mahal. Lahat titiisin ko, hayaan mo lang akong mahalin ka at hintayin ka. Kahit 'di ka dumating. Habambuhay na kitang mamahalin, 'yun lang 'yun bagay na sigurado ako. Kaya kahit na ilan pa ang magkamaling magustuhan ako, walang kahit isa sa kanila ang mabibigyan ko ng atens'yon. Dahil ikaw lang ang minahal ko, ikaw lang ang mahal ko, at ikaw lang ang mamahalin ko. Sa'yo ko na inalay 'tong puso ko. At kahit na alam kong masasaktan lang ako, hindi parin ako susuko. Ayokong mapunta sa iba 'tong puso ko, dahil sa'yo lang 'to nakalaan. Bawat tibok nito, para sa'yo. Kaya hindi ko hahayaang mapunta 'to sa iba.

Tumingin ka sa iba at iyong makikita
Yung di ka iiwan di na mag-iisa
Tumingin ka kung saan
Kikislap ang 'yong mga mata
At gugulong ka sa katatawa

Natatakot ako, baka totoo ngang gusto n'ya 'ko. Pero alam n'ya naman na ikaw ang mahal ko. Natatakot ako na masaktan ko s'ya, dahil alam ko kung pa'no masaktan. Pero wala akong magagawa, ikaw parin ang pipiliin ko ano mang mangyari. Sana hindi totoong nahuhulog na ang loob n'ya sa'kin, dahil ayokong mangyari 'yon. Alam n'ya lahat ng pinapagdaanan ko. May ilang beses na ba 'kong umiyak sa kan'ya tuwing nasasaktan mo ko? S'ya ang naging takbuhan ko, shock absorber ko s'ya. Nakinig s'ya sa lahat ng sumbong ko. S'ya ang nagpapatahan sa'kin 'pag iniiyakan kita. Minsan siguro nagsasawa na s'ya sa mga kwento ko eh. Pero 'di n'ya ko iniwan kahit kailan. Minsan 'di lang s'ya umiimik, pero alam ko dinadamayan n'ya 'ko. Madalas idinadaan namin sa inuman lahat ng problema ko. Kung wala s'ya hindi ko alam kung kaya ko. Alam ko masasaktan lang s'ya 'pag nagkataong totoo ngang gusto n'ya ko. Alam ko magiging napaka-unfair ko na ikaw parin ang pipiliin ko imbes na s'ya. Ito ba ang igaganti ko sa lahat ng ginawa n'ya para sa'kin? Pero alam ko maiintindihan n'ya. Magiging masaya s'ya para sa'kin, sigurado 'yun. Alam kong alam n'ya na ikaw lang ang makakapagpasaya sa'kin. Dahil ikaw ang mahal ko, ikaw lang

Ha!ha!ha! masaya
'di ka na mangangamba
Hindi ka na magmumukhang tanga
At kung manhid ka kasi mahal mo pa s'ya
Naku umayos ka marami pang iba

Manhid nga siguro 'ko, na kahit gaano man kasakit 'tong pinagdadaanan ko eh patuloy parin kitang minamahal. Na pinagpipilitan ko parin ang sarili ko sa'yo kahit na alam kong 'di mo ko gusto. Na nagagawa ko paring ngumiti kahit na alam kong malungkot ang magiging kapalaran ko. Na pinili kong mabuhay mag-isa habang may nasasaktan akong iba. Na hindi ako susubok na humanap ng iba, as if may mahahanap pa. Na nagmamahal ako habang nanggugulo sa tahimik buhay ng iba. Manhid nga siguro ako. Kasi kahit gano'n, mahal parin kita. Kahit na alam kong may mahal kang iba. Kahit alam kong wala akong pag-asa. Mahal kita. Ano man ang sabihin nila, magmuka man akong gago, maging mag-isa man ako habang buhay, dumating ka man sa dulo o hindi, mahal parin kita, hihintayin parin kita.

0 responses: