Hindi Mo Ba Ako Namimiss?



Sa palagay ko hindi. Pero wala naman ako'ng magagawa eh, 'di ko mababago 'yon. Ayoko rin namang ipilit sa'yo na ma-miss mo din ako dahil nangako na 'ko na hindi na 'ko magiging demanding kahit kailan. Gusto ko sana, kahit 'yung pangako lang na 'yon matupad ko. Para kahit pa'no, masabi mo na may ginawa ako'ng tama at ma-realize mo na hindi ako kasing sensitive katulad ng iniisip mo. Pero hindi naman mahalaga ngayon sa'kin kung tama ba o mali 'tong ginagawa ko eh. Basta ang sigurado ko, natutupad ko 'yung pangako ko na hindi na 'ko magiging sobrang demanding. Mukhang nag-e-enjoy ka naman 'ata eh.

Aaminin ko sa'yo, sobrang miss na kita. Biruin mo, isang buwan na tayong 'di nagkakasama. Kung alam mo lang kung ga'no na 'ko ka-desperado na makasama ka ulit kahit na isang segundo lang. Alam mo na magiging sobrang saya ko 'pag nangyari 'yon. Pero katulad ng naipangako ko, hindi ko ide-demand sa'yo na gawin 'yon para sa'kin. Dahil ayokong aksayahin ang isang segundo mo para mapangiti lang ako.

Ayokong isipin mo na nagda-drama nanaman ako, gusto kong malaman mo na nasasaktan ako. Bakit balewala lang sa'yo kung hindi man tayo nagkikita? Samantalang ako, mamatay-matay sa sobrang pagka-miss ko sa'yo. Natatakot ako na baka wala na ngang chance para magkasama tayo ulit. March na, huling hirit para sa'tin, pero walang linaw kung makaka-hirit pa ba 'ko ng isang segundo para makatabi ka. Sobrang labo. Parang imposible na'ng mangyari.

Minsan natatawa ako sa sarili ko na wala na 'kong ibang alam sabihin kundi tungkol kay Shawnee at kay Em-em para lang makuha ang atensyon mo. Isang walang muwang na bata at isang walang laban na manika, ginagawa kong paraan para makausap ka. Pero, wala naman ako'ng ibang alam na gawin eh. 'Yun lang ang paraan para pansinin mo ko. Ngayong alam mo na, wala na kong natitirang pag-asang mapansin mo pa. Sa palgay ko, ang gusto ko lang sabihin eh "nami-miss na kita!". Hindi mo ba 'ko nami-miss? Sana alam mo na kahit na ano'ng mangyari, nandito lang ako, hinihintay ka parin. Ilang linggo nalang kakailanganing ko na'ng tuluyang magpaalam sa'yo. Pero pakiramdam ko, matagal ka na'ng nawala sa'kin.

0 responses: