Welcome to the Jungle


July 6, 2009, around 11pm, ni'welcome ako ni Jefferson sa jungle. Excited ako, sobra! Pero bigla din akong napa'isip. Ano bang "jungle" ang pinapasok ko? Napa'smile ako sa sarili ko. Naisip kong para akong gago para isipin pa pati 'yung mga ganu'ng bagay. Pero natuwa din ako, at least gumagana pa naman 'tong utak ko. Kaya hinayaan ko na din na mag'isip ang sarili ko. Ano ba 'tong jungle na 'to? Bakit parang sobrang big deal naman yata?

•'Di kaya "college life" ang ibig sabihin ng jungle? Sobrang excited ako nu'ng nalaman ko na papasok na ulit ako sa school. Pero 'di nag'tagal, parang gusto ko na din sumuko. Sobrang demanding pala mag'aral eh. Unang linggo pa lang no'n, nagka'sakit na 'ko dahil sa stress. Pero marami din ang mga dahilan para ma'motivate ako para pag'butihin nalang ang pag'aaral ko kesa magpa'talo sa stress. Naging leader ako sa halos lahat ng groupings sa bawat subject, na'realize ko... "Hwow! Marami pala'ng nag'titiwala sa kaya kong i'offer." Napili din ako ni Ms. Bacani para maging first year representative ng organization ng Business Administration course sa school, at least may chance ako na mai'gugol ang oras ko sa mas makabuluhang bagay, kesa mag'laro nalang ng My Brute o Dinoparc mag'hapon. Kaya sa mga oras na 'to, alam ko 'di na ko tatamarin mag'arall.

•'Di kaya "meeting new friends" ang ibig sabihin ng jungle? 'Yung section ko, halo'halong pagkatao meron ang bawat isa. May valedictorian nu'ng highschool, may nag'mamatalino, may maingay, meron ding pa'emo kung magpaka'pa-deep. Nakakatawa nga eh, Natatandaan ko nu'ng nag'introduce ako ng sarili ko sa'kanila nu'ng first day ng klase, sinabi ko na "I'm a people person." Pero napaka'ironic. Wala ako'ng ka'close kahit isa sa kanila. Siguro dahil hinahanap ko sa kanila 'yung ugali ng barkada ko. Prinsesa kasi ako para sa "mga men", alagang'alaga nila 'ko, palibhasa puro sila lalaki. Sila ang superheroes ko 'pag gusto kong umiyak. Lagi naman silang to-the-rescue, bitbit ang isang bote ng vodka. Sobrang nami'miss ko na talaga sila. Nagi'guilty ako pag nag'tetext sila, lalo na si Jhepmar, tapos rereplyan ko na marami akong ginagawa. Kahit na ang totoo, 'yung mga kakalase ko nagagawa kong makipag'text buong gabi. Nakaka'lungkot ngang isipin na 'di ko na namalayan na mahaba na pala ang buhok ni Mamen (Jhep), ang huli kong natatandaan eh sinabi n'ya lang sa'ken na magpapa'haba s'ya ng buhok.

•'Di kaya "Jefferson's world" ang ibig sabihin ng jungle? Hahaha! 'Di naman siguro. Bakit naman, 'diba?! Pero natutuwa talaga 'ko sa taong 'yon. Nakaka'tuwang isipin na pinapagka'tiwalaan n'ya 'ko tungkol sa mga seryosong bagay... katulad ng tungkol sa mga puno. Hehe! Simula nga nu'ng nag'umpisa 'yung "usapang puno" na 'yon, nahuhuli ko 'yung sarili ko na napapangiti 'pag napapansin ko 'yung mga puno sa paligid. Ibang klase. Pero si Jeff, naging isa sa maraming tao na kinaka'inggitan ko. Kasi, ganu'ng klaseng tao sana ang gusto kong maging ako. Magaling s'yang kumuha ng simpat'ya ng iba, kaya sobrang dami n'yang kaibigan. Marunong s'yang lumugar, 'pag senti... senti, 'pag kwela... kwela. Bukod 'don, alam ko marami pa 'kong malalaman tungkol sa kan'ya. Pero higit sa lahat, sobrang idol ko na s'ya. Kasi nag'cocompose s'ya ng kanta para sa sariling banda n'ya. Rakenrol!

Marami pa'ng pwedeng maging ibig'sabihin 'yang jungle na 'yan. Alam ko marami pa 'kong mai'isip habang pinapag'patuloy ko lang ang buhay. Marami pang pwedeng mangyari, pwedeng masama at pwede din mabuti. Kaya lang, sa jungle, lahat handang lumaban in order to survive. E ako? Pa'no 'ko lalaban kung walang nakaka'alam ng totoo kong paka'tao? Maniniwala ba sila na iba 'yung Tuesday na akala nila na'kilala na nila? "Alter Ego", 'yan ang jungle ko. Nakaka'takot. Nakaka'ligaw. Madilim. Ma'panganib. Maraming pasikot'sikot. Akala mo tama 'yung trail na tinatahak mo, ang 'di mo alam, naliligaw ka parin. Sa jungle ko, mapag'laro ang panahon. Aaraw ngayon, maya'maya may bagyo. 'Yan ako. Mahirap kilalanin. Mahirap timplahin. Walang nakaka'alam ng real identity ko. Alter Ego, si Tuesday ako para sa lahat, pero iba na 'pag nag'iisa nalang ako. Sanay ako sa ganito, gamay ko ang jungle ko. 'Di kaya mas magandang ako nalang ang mag'sabi ng "welcome to the jungle"? Gusto ko kayong i'welcome sa jungle ko, o mas gusto kong tawaging "mundo ko".

2 responses:

Anonymous said...

I love it! I just love how you gave many possible meanings of the word "jungle". Who is Jefferson, by the way?

This entry was thought about very deeply. I love how you made use of a single word with as many idiomatic meanings.

I just don't see why you have to hide your real self to others. But that gave mystery with a good sense anyway.

Anonymous said...

maganda!


i lab it..


keep it up!