When I first saw Ralph, maybe it was January 2008, my first impression of him was he's such a "weirdo"! Mukha s'yang nerd nun, tapos para pa s'yang slow poke kasi ang bagal n'ya maglakad.
Until July 5 this year, nagkaron ng inuman sa bahay ko. Dumating s'ya, may dala pang mani pang-pulutan. Naisip ko, "Pumunta pa 'to eh mukang mabo-bored lang 'to dito." Pero everything went OK naman. Tapos eventualy, nag-open ako ng topic about the song "Cassie" (Flyleaf) and the real story behind it. In fairness, si Ralph lang talaga 'yung nagkaron ng sense kausap. Napaisip pa nga ako, "OMG! Thank you po Lord! Sa wakas may makakausap na 'ko tungkol sa mga trip kong topic." (He! He!). Nagulat talaga 'ko nun ng sobra kasi wala sa itsura n'ya na we actually share some common interests. Na magkakasundo pala kami sa trip.
Naalala ko tuloy 'yung pinauso n'yang linya nun night na 'yun: "Gusto ko nang mahiga sa kamang marangal!" (Ha! Ha! Ha!). Hanggang ngayon nakatatak pa sa pangalan n'ya 'yun. Wakoko!
Ayun, simula nu'n gusto ko palagi ko na s'ya kausap. Alam ni Jhepmar 'yan. Pero hindi ako gusto palging kausapin ni Ralph eh. T_T
Hehehe! Pero ansaya, s'ya lang ang nakaka-kwentuhan ko tungkol sa love interest ko, si Marnel Garcia. Tsaka s'ya lang din ang nakikinig 'pag nagdadaldal ako tungkol sa suicide songs, or sa voodoo dolls, or sa crystal ball, or sa dream catcher, or sa virtual band, or sa mga bagay na nababasa ko sa internet, or sa mga famous quotations at kung sino ang nagsabi nu'n, or sa mga mysterious smiley faces sa ceiling ng kwarto, at sa mga "mararangal" na bagay. Whew! In short, pareho kaming "weirdo". S'ya lang ang kakilala ko na nakakasundo ko sa maraming bagay. "yan si Ralph, 'yang weirdo na 'yan, astig 'yan! Forget the physical appearance 'cause this guy is actually more than meets the eye.
"O Jhonel anak! Umuwi ka na! Nag-aalala na 'ko sa'yo! -MAMA"
LOL!