Why do I always have to say things that I will eventually wish I never have said? Minsan Naiinis na nga ako sa sarili ko. 'Pag nagsalita ako walang preno. Tapos mare-realize ko nalang, marami na nagbago (o magbabago) nang dahil lang sa mga binitawan kong salita. Minsan tuloy naiisip ko, siguro mas magandang mag-sinungaling nalang instead of telling the truth na hindi ko naman kayang panindigan. Nakakatawa na kahit na napakarami ko nang na-experience na nagsisi ako dahil sa mga bagay na nasabi ko, tuloy parin ako sa gano'ng katangahan.
Pero, kung sa bagay, at least naging honest ako. Kahit halos 'di na 'ko nakatulog ng maayos kagabi (and to think lasing pa 'ko) sa kaka-isip kung ano ang pwedeng maging epekto ng kabaliwang nasabi ko, bottom-line is naging totoo 'ko sa kanya at the very least. Mas hindi siguro ako makakatulog ng maayos kung nagawa kong mag-sinungaling sa kan'ya.
Alam ko maraming p'wedeng mangyari at maraming pwedeng magbago dahil sa nasabi ko kagabi. Bahala na si Batman! Basta ako, I'll try to forget those things I said so things will be the same for us. I don't want him to think that I am just taking advantage of the situation because I know that I mean it when I said what I said. Sana lang walang mag-bago. Sana 'pag nabasa n'ya 'to, malaman n'ya na pinagsisisihan ko na 'yung nasabi ko sa kan'ya. Not that I want to eat my words, it's just that I feel that I should just kept my stupid mouth shut. IWANU GA HANA! (some things are better left unsaid). That's a Japanese phrase that always squeeze it's way into my consciousness whenever I get my self in this kind of situation. Pero, nakakainis! Bakit 'di parin ako natututo? Bakit palagi parin akong nagkakamali? Bakit palagi nalang akong nagsasabi ng mga bagay tapos pinagsisisihan ko din? Ang labo.
Pa'no kung iba na ang tingin n'ya sa'kin? Pa'no kung iniisip n'ya na may hidden agenda ako? Pa'no kung bigla nalang ayaw na n'ya akong maging kaibigan?
Pero kung s'ya naman ang magsasabi no'n, wala na akong magagawa. Tutal kasalanan ko naman. Siguro ngayon kailangan ko nang matuto. Siguro sa susunod mag-iisip muna ako bago ako magsalita. Para wala na akong salitang babawiin. Para wala na akong wrong move na pagsisisihan.
My Stupid Mouth
As told by tuesdayDOOMSDAY
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 responses:
Post a Comment