Gabi


Cue: Gabi by Kikomachine

Ako na yata ang pinaka-masayahing tao na kilala ko, na sa kabila ng lahat ng malulungkot na yugto ng buhay ko, heto parin ako, nakukuha pa'ng ngumiti. Minsan iniisip ko, gano'n lang ba kadali para sa'kin na magbigay ng ngiti na wala namang saya?

Hanggang kailan ko kaya makakayang dayain yu'ng totoo kong nararamdaman?
Palagi kong sinasabi sa mga taong nakaka-kilala sa'kin na hindi mahirap dayain ang nararamdaman. Ang problema lang, minsan malilito ka na kung ano ba talaga yu'ng totoo sa hindi.

Para sa'kin, pinaka-masarap parin siguro yu'ng malungkot na emosyon. Kaya nga siguro paborito ko yu'ng gabi sa lahat ng oras sa buong araw. Tahimik, malamig. Walang makakakita ng pag-tulo ng luha. Madaling maitago ang kalungkutan kapag gabi eh. Hihiga lang ako sa kama, tutunganga sa kisame, minsan makikipag-usap sa hangin. Magbubuntong-hininga, ipipikit ang mga mata. May mga pagkakataon pang nakaramay ko yu'ng blade sa pag-iisa. Ginising nya 'ko ng talim n'ya. Ipinaalala sa'kin na buhay ang katawan ko. Lumuha ng dugo yu'ng sugat kasabay ng pag-luha ng mga mata. Nagluksa ang puso. Nagdiwang ang buong katawan. Napaisip ako no'n, ano ba'ng mababago kung ipapagpatuloy ko pa yu'ng pananakit sa sarili ko? Ah basta, ang alam ko yu'ng hapdi ng sugat na 'yon ang nagpapalakas ng loob ko. Alam kong katarantaduhan, pero wala akong ibang alam na gawin. Hindi na rin mababago ang kapalaran ko.

Kung tutuusin dapat nga mas masaya ako ngayon eh. Maraming mga bagay na nakakapagpangiti sa'kin.

Katulad ng kantang tumutugtog ngayon habang sinusulat ko 'tong
blog entry na 'to. Naging paborito ko na din 'to ah. Siguro, habang buhay ko nang maaalala si Raymark sa kanta na 'to. Hehehe! Kung sabagay, kahit hindi ko siguro marinig na tumugtog 'yung Kai ng Maryzark eh maaalala ko parin si Raymark tuwing makikita ko 'tong pangalan n'yang naging peklat na sa braso ko.

Si Lester, nakakatuwang isipin na naging magkaibigan kami. Kahit alam namin pareho na may ginagawa kaming mali, ang importante napapangiti n'ya 'ko.


Yung magkapatid na Vangie at Rogelio, thank you po Papa Jesus na dumating sila sa buhay ko. Sabi sa'kin ni Vangie natutuwa s'ya na sobrang close na kami. Naisip ko, oo nga ano? Dati bihira lang kami mag-usap non.

Kung susumahin, ilan pa lang 'yang mga rason para maging masaya ko. Pero bakit hindi ko parin maiwasang malungkot? May topak na nga yata ako.

Maiiwasan ko ba'ng umiyak kung ang totoo eh 'yung kantang 'yon ang naging kanta ko kay Raymark nu'ng sinaktan n'ya ko? Mapipigilan ko ba'ng malungkot kung alam kong naging magkaibigan lang kami ni Lester dahil pinagbigyan n'ya lang ako sa alam n'yang iyon ang gusto ko? Matitiis ko ba'ng hindi matakot t'wing maiisip kong aalis din si Vangie pagkatapos ng dalawang taon? Makukuha ko ba'ng ngumiti kung alam ko na hindi man lang ako kilala ni Rogelio?

Siguro hindi ako masisisi ng tao kung bakit para sa'kin eh yung kalungkutan 'yung pinakamasarap na emosyon. Wala naman akong ibang pagpipilian eh. Ito lang ang alam kong gawin. Ang malungkot, magmukmok. Makinig sa mga kanta ng Typecast o ng Kikomachine. Humarap sa salamin. Umiyak. Mag-isip. Mahiga. Tumunganga sa kisame. Pumikit. Maghintay ng bukas. Nakakasawa na. Alam kong pagdating ng bukas, ganon parin. Balik sa dati. Paulit-ulit. Parepareho. Wala nang magbabago. Sorry, bocha ako eh. Habambuhay na 'kong ganito.

1 responses:

Anonymous said...

Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Transplante de Cabelo, I hope you enjoy. The address is http://transplante-de-cabelo.blogspot.com. A hug.