Masaya na 'ko sa sitwasyon namin ngayon. Napakasarap isipin na naging magkakaibigan parin kaming tatlo nila JC, Rein at ako, pagkatapos ng mga nangyari. Alam ko na napaka-laki ng nagawa kong kasalanan sa kanila. At hidi ko maiwasang mahiya dahil kahit gano'n, tinanggap parin nila ako bilang kaibigan.
Alam ko na naging makasarili ako nu'ng ipilit ko ang sarili ko sa isang bagay na alam ko naman na hindi tama at walang patutunguhan. Nasaktan na 'ko, pero ang totoo, balewala lang ang lahat ng sakit na 'yon dahil naisip kong mas mabuti pa'ng ako nalang ang nasaktan kaysa makita ko silang naaapektuhan. Sana naisip ko na noon kung ano ang mararamdaman ni Rein, bago pa ako gumawa ng isang hakbang na sa mga oras na ito ay pinagsisisihan ko na. Sana hindi na ako nagtapat kay JC para wala na akong pagkakamaling dapat kong ituwid, isang malaking katangahan. hindi ako dapat nagpadalos-dalos at nagpadala sa totoong damdamin ko para wala na akong salitang dapat bawiin.
Talagang nasa huli ang pagsisisi. Hindi mo malalaman na nagkamali ka hangga't hindi mo napapansin na unti-unting nawawala na nag mga mahal mo sa'yo. Hindi ka rin matututo hangga't hindi ka nasasaktan. Parang nu'ng tinuturuan ako ni Papa na mag-bisikleta nu'ng bata pa 'ko. Sinabi n'ya na hindi ka matututong mag-maneho ng bisikleta hangga't hindi ka nagagalusan. Gano'n din pala sa totoong buhay. Kailangan mo munang madapa at masugatan para matuto kang bumangon at maging matatag para 'wag kang madapang muli. At sa pagkakataong ito, natutuhan mo na'ng umiwas sa pagkakamali.
Napaka-s'werte ko sa mga kaibigan ko. Kasi kahit na masyadong malaking problema ang dinala ko, binigyan nila ako ng pagkakataong bumawi.Hindi man ako gano'n kas'werte sa pag-ibig, napaka-s'werte ko naman sa kaibigan. Hindi na bale sa akin kung nasasaktan man ako, ang importante ay maprotektahan ko sila. Lalo na ngayon na naisip ko nana minsan, may mga bagay na mas mabuting hindi nalang sabihin para makaiwas sa malaking gulo. Katulad ng totoong nararamdaman, mas mabuting itago nalang sa sarili ko, makita ko lang na masaya yu'ng mga kaibigan ko.
Iwanu Ga Hana
As told by tuesdayDOOMSDAY
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 responses:
Post a Comment